Mahal! Paalam Na

62 1 0
                                    

Kay sayang isipin,
Mga araw na nagdaan,
Nang una kang makita,
At una kang pagmasdan.
Ika'y aking inibig,
At ika'y iibigin pa,
Ikaw lamang ang mamahalin,
At wla nang iba pa.
Dumating sa puntong,
Nais kitang ligawan,
MAHAL KITA!

Ang nais kong patunayan.
Ngunit ika'y naimik,
Natahimik bigla,
At ako'y nasabik,
Sa sagot na salita.
"Magkaibigan Tayo!",
Ang iyong sambit,
Ako'y natulala,
Sa sobrang sakit.
"MAY MAHAL AKONG IBA."
Sabi mo pa,
"Mahal din kita",
"Ngunit kaibigan lang talaga".
Sa hindi sakin pagpili,
Doon napagtanto,
Na handa kang magparaya,
Sa taong mahal mo.

Makita kang masaya,
Aking natatanging gusto,
Nawa'y ikaw ay sumaya,
Sa piling ng mahal mo.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon