Mahal kita, oo mahal kita
Pero pwede bang tama na?
Mahal na mahal kita
Pero pwede bang tapusin na?
Mahal kita oo, maniwala ka
Mahal kita kahit pa tila wala na
Mahal kita, pero pwede ba?
Pwedeng bang kumawala na?
Mahal kita pero napapagod na ako
Mahal kita pero ang dami na kasing nagbago
Mahal kita.. mahal na mahal, oo
Pero pwede bang palayain mo na ako?
Hindi na kasi malinaw ang lahat
Tila ba nagkalabo labo na at nagkalat
Wag kang mag-alala ikaw'y saakin sapat
Ngunit.. napapagod na ang puso kong tapat
Pakiusap, wag ka sanang umiyak
Hindi ako karapat-dapat sa tulad mong ang puso ay busilak
Hayaan mong mailabas ko muna 'to at hayaan ang pagpatak
Hanggang sa maglaho na at tuluyang mawasak
Mahal na mahal kita ayan ang tandaan mo
Pero kailangan ko ng bumitaw sa relasyon na ito
Mahal na mahal kita seryoso ako
Ngunit hindi ko na kaya pang ipaglaban ang salitang "tayo"
Pasensya kung napako lamang lahat ng aking pangako
Pero ipagdadasal ko naman na sana makahanap ka na ng bago
Hiling na sana'y mabilis mahilom ang sugat sa iyong puso
Pasensya kung ako ang naunang sumuko
Mahal kita ng sobra at higit pa
Mahal kita kahit hindi na tama
Ngunit may nagsasabi na 'tigil na'
Itigil na ang pagmamahal na nakakabulag ng mata
Mahal kita oo, mahal kita
Pero kailangan ko ng sabihin na "paalam na"
Mahal kita oo, mahal kita
Pero kailangan nang tapusin ang namamagitan saating dalawa.
Mahal kita, oo sobra sobra
Pero ipagpatawad mo na hanggang dito na lang talaga
Mahal kita, oo mahal kita
Salamat sa mga aral at sa ating mga masasayang ala-ala.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoetryKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry