Alam kong alam mo
Na Hindi pa ako nkakaranas mag mahal
Kaya pala, ganon nalang ang trato mo sakin sobrang spesyal
Hindi ko hinangad gawin mo akong prinsesa sa tuwing ikaw ang aking kasama
Dahil sa simula palang kinasusuklaman na kita
Kina susuklaman Hindi dahil sa ayoko sayo
Kinasusuklaman kita dahil wala na akong magawa dahil tinamaan na
Ako sayo
Oo tama tama ang mga sinabi ko
Nasanay kase akong kasama ka
Kasama ka sa bawat pahina ng masasayang alaala sa buhay ko
Ang sakit lang kaseng isipin na
Sayo ako nagkagusto
Naisip ko tuloy bakit nga ba sayo? At bakit nga ba ako? Bakit ako ang napili mong lokohin, paglaruan, at saktan na ni minsan hinding Hindi mabura saaking isipan
Naalala ko tuloy ang ating tawagan
Tawagan na nauwi sa isang sugat
Alam mo ang nakakainis
Kase saating dalawa ako lang ang nasasaktan
Ako lang at hindi ikaw
Ako ang nag luluksa
Na pilit kung huwag pabayaan na ang puso ko ang mapuksa
Kase ang sakit lang
Ang sakit isipin na pinaasa mo ako
Sa wala
Yung pakiramdam na ang saya saya ko kasama ka
Yun pala may kasintahan kana
Takte Oo nga pala
Nalimutan ko
Ang tanga ko
Wala nga palang tayo
Hindi mo nga pala nasabi na gusto
Mo ko
Gusto mo lang pala ako
Kase gusto mo lang akong pagtripan
Di bale nagsisi na ako
Nag sisi ako dahil bakit ikaw pa ang hinayaan kung maloko at pumasok ka sa buhay ko
E samantala palang hindi ko nman deserve ang katulad mo
Dahil ang dapat sa tulad ko ay
Isang tao na pahahalagahan ako at
Mamahalin ng totoo
Dahil kaya Kong suklian ang pagmamahal nayan
Nang walang halong pagsisisi
At pag aalinlangan na baka dumating ang araw na lokohin nanaman ako at Hindi na
Balikan pa
Kayat sayang ,
Sinayang mo ang tulad ko
Pasensya ka narin
Nangdahil sayo natuto
Akong wag na muling mahalin pa ang mga katulad mo.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoetryKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry