Apat na yugto na ng sandali
Sugat ay nananatili paring nakatali
Sa ipinakong mga baka sakali
Di parin lubos mawari,
Kung bakit humantong ang lahat sa pighati
Oh langit tunay bang ako'y mali
O sadyang tuso lang ang sandali
Kung nauna ang pagkalas ko sa tali
Bago pa ito ibuhol sa mga piit na labi
Ang pagtakip kaya ng sugat sa dilim
Ay makikita sa liwanag?
Oh sisikad kaya ito kung kinikimkim
Kapag natapunan ng sinag?
Sagot ay hindi na nais pang dinggin
Kung magpapasiklab pang lalo sa tigib na nakahain,
Mas mabuti pang ako'y ibaon sa hangin
Upang unti-unti nang maglaho sa dilim
Ito ay tula para sa sugatan
Na darating ang panahon daing ay magiging langib na lamang
Kasabay ng pag-usbong ng panibagong laman
Maglalaho rin ang pasakit na nararamdaman
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PuisiKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry