Ang pagtatagpo ng ikaw at ako

35 0 0
                                    

Sa mundong magulo,
sa mundong nakakalito,
sa mundong nagbabago,
sa mundong may ikaw at ako,
pero walang "Tayo".
Nakapaligid sa'tin ang mga matang mapanghusga,
samu't sari ang naririnig mula sa mga labing 'di maisara,
naninikip ang dibdib at hindi makahinga,
waring ako'y isang manhid na hindi makadama,
kaya naman mas nanaisin ko pang magpakatanga.
Oo TANGA! Tanga kasi mahal kita
Tanga kasi hinahabol kita,
kahit ako'y tinatalikuran na.
Tanga kasi mas pinili at mas pipiliin kita kaysa sa iba,
kahit pa ang tingin mo sa sarili mo ay walang kwenta,
kahit na hindi ko alam kung ako'y mahal mo rin ba.
Hindi dapat pero mas pinipili kong maniwala,
maniwala sa'yong mga pinapakita at pinapadama,
kahit pa sinasabi ng makakating dila
na huwag akong umasa.
Hindi ko maiwasang sumaya 'pag ika'y kapiling na.
Hindi ka makapaniwalang mahal kita?
Nagtataka ka ba kung bakit ikaw ang mas pinili at mas pipiliin ko kaysa sa iba?
Huwag ka nang magtaka,
huwag ka nang magtaka kung bakit mas pinili at pipiliin ko ang isang tulad mo,
oo hindi ka perpekto,
oo ikaw yung lalaking mabisyo,
pero ito ang tatandaan mo,
hindi nakikita ng mata ang nadarama ng puso.
Kahit ako,hindi ko inakalang dadating sa ganitong tagpo,
tagpo na ikaw ang nagpapasaya sa aking puso,
na ikaw ang bumubuo sa araw ko,
kahit makita lang kita sa litrato,
pakiramdam ko ikaw ay nasa piling ko.
Huwag ka nang magtaka.
Ang kailangan mo ay maniwala na MAHAL KITA!
Huwag ka nang mangamba dahil ipaglalaban kita,
kahit na mukha akong tanga,
at kung ako man ang magiging PINAKATANGA,
mas gugustuhin ko 'yon kaysa mawala ka.
Karapat-dapat kang mahalin,
kahit pa ang barumbado mo.
Karapat-dapat kang mahalin,
kahit pa lahat ng mura ay bigkasin mo.
Karapat-dapat kang mahalin,
kahit pa ilang alak pa ang inumin mo.
Karapat-dapat kang mahalin,
kahit pa ang tigas ng ulo mo.
Karapat-dapat kang mahalin,
kahit na pinapaiyak mo ako.
Karapat-dapat kang mahalin,
kahit na parang pinagtatabuyan mo na ako.
Karapat-dapat kang mahalin,
kahit na ikaw mismo ang nagsabi na tanga ako.
Karapat-dapat kang mahalin,
Kasi kamahal-mahal ka.
Sa mundong magulo,
sa mundong nakakalito,
sa mundong nagbabago,
sa mundong may ikaw at ako,
ay nakatagpo ako ng isang paraiso,
kahit walang "Tayo".
Dinala ako sa paraiso,
nang sumabay ako sa agos ng iyong kilos.
Dinala ako sa paraiso,
na ang lunas ko sa pait ay ang iyong haplos.
Dinala ako sa paraiso,
na kung saan ang saya ko ay lubos.
Dinala ako sa paraiso,
na kung saan ang lakas ko ay 'di mauubos.
Dinala ako sa paraiso,
na kung saan ang dulo ay 'di matapos-tapos.
Dinala ako sa paraiso,
na kung saan habang nakikilala kita,
ay mas minamahal ko ang isang 'tulad mo.
Mahal kita,kahit pa magmukha akong tanga.
Mahal kita,kahit pa ayaw mong maniwala.
Mahal kita,kahit hindi ko alam kung ako'y mahal mo ba talaga.
Mahal...'wag kang mag-alala kasi mahal kita.
Mahal kita.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon