Salamat

23 1 0
                                    

Ako'y nagbabalik, at muling kumakatha
At itong aking tula ay para sa relasyong nasira
At kahit na masakit, idinadaan sa pagtawa
Madalas kang nasasaktan, palagi pang pinapaasa.
Hindi ko talaga magintindihan, itong ugali ng mga kababaihan
Kami lagi ang nasasaktan, madalas kasi silang mangiwan
Ngunit kailangang tanggapin, masakit na katotohanan
Sa sobrang sakit, parang di ko nakayanan.
Ikaw ay makinig, isasalaysay ko ang pangyayare
Ako kasi'y may nakilala, isang napakagandang babae
Siya'y napakabait, minsan kami'y magkatabi
At hindi nagtagal, naging magkaibigan kami.
Habang tumatagal, ako'y unti unting nahuhulog
Ngunit ako'y nadala na, ayoko na muli pang madurog
Kaya hindi ko sinabi, sa kanya'y ako'y umiirog
Ang aking kalungkuta'y dala ko hanggang pagtulog.
Lumipas ang panahon, hindi ko na din maitanggi
Ang aking nararamdaman, hindi ko na sinangtabi
Ako'y naglakas loob, at sa kanya'y ito'y sinabi
Matatamis na salita, hindi ko na ito binawi.
Noong babago kami naguumpisa, kami'y matamis sa isa't isa
Araw araw kaming magkausap, palagi ko syang kinakamusta
Pero bakit ganoon, itong aking sinta
Kailangan niyang lumisan, maninirahan sa iba.
Nagdaan ang mga araw, wala pa ding nagbabago
Kami'y palagi pading naguusap, nagbibitawan ng pangako
Akala ko lahat ay totoo, ako pala'y kanyang naloko
Ang kanyang mga pangako, lahat ng ito ay napako.
Lumipas ang buwan, bigla nalang siyang nagbago
Araw araw kong kausap dati, ngayon ay naglaho
Napatanong nalang sa sarili, ano ba ang nagawa ko?
Ako ata'y nababaliw, para akong naloloko.
Ang dating matamis na kendi, ngayon ay isang malamig na yelo
Sa akin lahat ng sisi, tuwing siya'y maguumpisa ng gulo
Ako'y mahaba ang pasensya, pero ako'y isa lang ding tao
Nagpakatatag para sayo, pero ako'y marunong sumuko.
Ayaw ko sanang gawin, pero ako'y iyong pinilit,
Gusto ko pa sanang makamit, lahat ng mga pangakong nabanggit
Ngunit ako ay pagod na, ugali mo'y di ko na kaya,
Ako'y sumusuko na. Salamat sa ala- ala.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon