Itapon Na Lang Natin Ito"
Umayaw ako, umayaw kana din.
Hindi lang ako kumapit, ika'y bumitaw na din.
Sumuko ako, akala ko lalaban ka.
Hindi ko alam sumuko ka din pala.
Alam kong mahal mo pa siya,
Pero ako, kailan ba?
Alam kong nasasaktan ka,
Pero ako pinapatay mo na.
Bakit umiiyak ako ng ganito,
Sino ka ba para iyakan ko?
Sandaling panahon palang kitang kasama,
Pero ang sakit, ang sakit sakit na ng sobra.
Iwasan na natin ang isat-isa ,
Mabubura din 'to hanggat maaga pa.
Hindi pa kita mahal, nababaliw lang ako.
Kunwari nanaginip lang, ngayon gising na tayo.
Tama, sukuan mo na ako,
Hindi ako yung taong ipaglalaban mo.
Tama kang ayawan na natin 'to,
Magkakasakitan lamang tayo.
Hindi na ko iiyak, pangako sa'yo,
Pagkalipas ng ilang araw mawawala na 'to.
Ayaw kitang papasukin dito, dito sa puso ko,
Dahil ayaw kong mapunta ka sa walang kwentang tao.
Simula ngayon huwag mo na kong iisipin,
Sa isa't-isa wala na tayong sasabihin.
Itapon lang natin lahat ng ito ,
Walang ako, ikaw, wala namang tayo.
Pangako, ayos lang ako talaga,
Salamat sa sandaling nakasama kita.
Hanggang dito na lang tayo,
Umalis kana, aalis na din ako
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoesíaKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry