Isang salita
Limang letra
Marami ang gumagawa
Sa mga taong di naman kilala
Husgahan mo ang bawat kilos na aking ginagawa,
Husgahan mo ang pisikal kong anyo na hindi sang ayon sayong mga mata,
Husgahan mo ang bawat galaw ko na kinaiinisan mo pag iyong nakikita.
Husgahan mo ako ngayon na.
Di ba't walang perpekto?
Bakit kaya ganyan tayo?
Tila ba walang magawa kundi bantayan ang bawat kilos mo
Hindi man lang alam kung anong mararamdaman mo
Para bang isa kang hurado sa isang paligsahan,
Na kung saan pag may nakita kang mali ay agad mong huhusgahan.
Iba ang dapat na pinapakinggan lang sa dapat mong paniwalaan,
Hindi basehan ang kilos ng tao para iyong husgahan.
ahat tayo ay nanghuhusga, kaibigan.
Reyalidad na hindi na natin maiiwasan,
Dahil sabi nga ng karamihan,
Para bang namumuhay tayo sa isang paligsahan,
Lahat ay hurado at ikaw ang huhusgahan.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PuisiKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry