Tula Ni Dodong para kay Maria

21 0 0
                                    

Oh Maria, sinta kong iniibig

Kahit na hininga mo'y amoy panis

Kapag ika'y ngumiti ngipin mong kubit-kubit

Kili-kili mong sing dilim ng ulap sa langit

Ilong mong sing lapad ng pader ng bahay namin

Ikaw parin aking iniibig.

Ano ba itong ginawa mo sa akin

Ako'y nahumaling sa itsura mong dikanais-nais

Ganda mong namumukod tangi

Na tila ako lang ang nakakapansin

Pero kahit hindi kaman kamukha ni Kathryn

Kahit hininga mo man ay mas malansa pa sa isda

Kilili mong sing asim ng paksiw ng kapitbahay namin

Ikaw parin talaga aking iibigin

Sapagkat ika'y nagbigay buhay at ligaya sa aking mundong katangitangi.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon