Iba pala

27 0 0
                                    

Ito ang huling tulang iaalay ko,
Sa babaeng pinakamamahal ko.
Alam kong hanggang dito na lang tayo,
Pero salamat, dumating ka sa buhay ko.
Hindi ko lubos maisip, kung bakit nangyari.
Pinilit kong pigilin, itong damdamin.
Laging tinatangi itong lihim na pagtingin.
Hindi masabi na ikaw ang aking iniibig.
Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ka.
Nangungulila ka pa rin lagi sa kanya.
Ang lalakeng minahal mo ng tapat,
Nagawang iwan ka ng wala man lang dahilan.
Alam kong lagi mo siyang naaalala,
dahil sa mga tula mong nakapost sa social media
Napapatanong na lamang ako,
Bakit siya pa rin, naririto naman ako?
Wala na akong nagagawa pa.
Pinagtagpo lang tayo para magkakilala.
Magkakahiwalay sa dulo,
Ikaw at ako, walang tayo.
Maghihintay na lamang ako.
Baka isang araw mahalin mo rin ako.
Aasa na lamang sa isang pangarap.
Pangarap na malabo ng matupad.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon