Alam mo bang bago kita makilala
buhay ko ay laging malungkot at walang ligaya
Pero noong Dumating ka sa aking buhay
Mundo ko ay ginawa mong masaya at makulay
Bawat araw ko yan naging espesyal noong dumating ka
Lagi kang nariyan kapag kailangan kita
Lagi kang nariyan nasa tabi ko at handa mo ako damayan sa lahat ng problema ko
Ngunit dumating ang araw na nagkahiwalay tayo
Simula noon naging malungkot uli ang buhay ko
Dahil para sa akin isa kang pangkulay
Na sa buhay ko ay nagbibigay kulay
Pero ngayong wala ka na ang mundo ko ay wala na ring kulay
Pero ngayong wala kana ang mundo ko ay wala na ring kulay
Dahil nawala na ang pangkulay ng buhay ko
Pero salamat sayo naramdaman ko noon ang masaya at makulay na buhay
Maraming salamat at paalam sayo Krayola ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoetryKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry