Paubaya

667 1 0
                                    

"Paubaya"
Tula:Hango sa kanta ni Moira Dela Torre

Dalawang puso na pinagsabay
Hindi alam kung ako yung kaakay
Saan nagsimulang magbago ang lahat
Kailan nung ako'y 'di na naging sapat.

Ba't di mo sinabi nung una pa lang
Na may bago ka ng minahal at nararamdaman
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal
Ako ang kausap iba ang pinaiiral.

San nagkulang ang aking pagmamahal
Sa panahong di kana susugal
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Para lang sa pag-ibigan isaalang-alang

Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na
Patagong nilihim at pinipilit mo pa
Ako ang kasama, pero hanap mo siya
Ako ang katabi pero iba ang makita niya.

At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipigilan at yung ikakasaya
Hindi ko na pipilit pa
Yan maging hiling at  para hanggang dulo na.

Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain At alagaan ka niya
Sa lubos na lungkot nadarama
Sana'y maging masaya ang pagsama

Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako
Labis na lumabas sa bibig
Iba pala ang nais hindi ako yung ibig.

Ba't 'di ko naisip na merong hanggan
Tila'y umaasang, tanga lang
Ako yung nauna, pero siya ang wakas
Ako yung katha pero siya ang bigkas.

At kita naman sa 'yong mga mata
At kilos na hind talaga tayo tinadhana
Kung bakit pinili mo siya
Ikaw na ay aking pinaubaya.

-Hugoteroking

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon