Edad

32 0 0
                                    

Hindi maamin ang nararamdaman
Dahil ang ating edad ay isang malaking kahadlangan
Hindi mabigkas
Na mahal kita hanggang sa wakas
Gusto ko man' umamin
Pero hindi magawa
Dahil sa akin isang bata ang iyong tingin
Kaya akin na lang idinadaan sa tawa
Edad ang hadlang sa aking pagamin
Kaya hanggang ngayon akin na lamang ibubulong ito sa hangin
Hindi mawari ng aking isipan
Ang mga namumuong mga katanungan
Bakit , Saan , Paano , Hanggang kailan?
Hanggang kailan ako magkakaganito?
Bakit hindi ko kayang magpakatotoo?
Saan ako magsisimula sa pagamin?
Sa kalagitnaan?
O baka naman sa hulihan?
Baka sa una pa lang
Baka nga dapat sa una pa lang ako'y umamin na
Hindi pa ba huli ang lahat?
Kailangan ko na bang magtapat?
Kailangan ko na bang isigaw ang mahal kita?
Kahit sa tingin ko'y may mahal ka ng iba
Oo, mahal na iba
Anak lang naman ang tingin mo sa akin diba?
Guro kita estudyante mo ako
Bakit ako umibig sa'yo?
Apat na M ang aking nais
Mabait oo pagkabait mo
Mahaba ang pasensya , lahat ng sakit iyong tiniis
Matalino , pagkatalino mo sa mga akademiko
Mabango , hindi pa rin makalimutan ang iyong halimuyak
Ang mukha mo, ang ugali mo sa puso't isipan ko'y nakatatak
Ang pagbigkas mo tungkol sa sensya
Ang totoong sa aki' nakapagpasaya

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon