Pamamaalam

49 2 0
                                    


Sa maikling panahon na tayo'y nagkasama,
Hindi ko maintindihan ang aking nadarama,
Na para bang tayo ay sadyang pinagsama
Ngunit hindi tinadhana para sa isa't isa.

Kung pwedeng ihinto ang oras
Ito sana ay itinigil ko na
Nang ikaw ay makasama
At tayo ay muling liligaya

Ngunit alam kong di ko mapipigilan
Ang iyong paglisan
Kaya aking mga luha'y papahiran
At alalahanin nalang ang pag-ibig na pinagsaluhan

Kaya ang ating pinagsamahan,
Sana'y wag mo'ng kakalimutan
Dahil aking aaminin sa iyong pamamaalam,
Ako'y lubusang nasasaktan.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon