Hindi Ikaw"
Ganun talaga, ganun talaga.
Bakit hindi ka pa ba sanay mag-isa?
Huwag kang umiyak parang hindi naman kita kilala,
Alam kong sanay ka ng iwan, tama ako diba?
Hindi ka kasi madaling mahalin,
Hindi ka kamahal mahal o bigyan ng importansya din.
Hindi ka isinilang para mahalin,
Hindi ka pa ba sanay na balewalain.
Mahirap kang mahalin at pahalagahan,
Hindi ikaw ang klase ng taong ituturing na kayamanan.
Ikaw yung tipong lulukutin at itatapon sa basurahan,
Hindi ka mahalaga, hidi ka kawalan.
Huwag kang umiyak na parang nasasaktan pa,
Matibay kana, marami ng tulad niyan diba?
Dadaan at aalis din sila, makikita mo,
Huwag mong pigilan o magsumamo.
Ayos lang yan, ganyan talaga,
Hindi lahat mananatili at hahawakan ka.
Hindi ka ganun kahalaga para bigyan ng importansya,
Hindi ka niya mahal, kaya hayaan mo.na siya.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoesiaKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry