Sino ba ang may ari ng iyong puso?
Siya na bahagi ng nakaraan mo?
O ako na kasalukuyang nagmamahal sa iyo?
Siya na iniwan ka at babalikan ka kung kailan niya gusto?
O ako na sumalo at nagmahal sa iyo ng buong buo?
Sino ba talaga sa aming dalawa?
Kasi kahit ang isip ko ay naguguluhan na
Mahal mo pa ba siya?
May lugar pa ba ako sa buhay na meron ka?
Kung meron man pwede ko bang malaman kung saan banda?
Ou sinabi mo na mahal mo ako
Pero bakit parang hindi ka sigurado
Bakit hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin sa nakaraan niyo?
Bakit hanggang ngayon di mo kayang limutin ang ala ala niyong nabuo?
Limot mo na ba talaga siya?
O nagpapanggap ka lang kasi alam mo na sa inyong dalawa
Ay wala ng pag asa
Ako na ba talaga?
O sinasabi mo lang iyon kasi ako yung nandito ng iniwan ka niya
Marami akong katanungan sa isip ko
Pero hindi ko gustong marinig ang isasagot mo
Dahil sa takot,hindi dahil sa duwag ako
Takot akong marinig na hanggang ngayon siya pa rin ang mahal mo
Pero di ako duwag kasi kaya kitang ipaglaban kahit ang laman ng puso mo ay hindi ako
Sa kakaisip ko sa iyo
Isang gabi nanaginip ako
Nasa bangin daw tayong tatlo
Ako yung nasa taas at ang ex mo ay nasa baba nakapwesto
Kaya hinila kita papunta sa direksiyon ko
Pero wala akong nagawa dahil iyon ay di mo gusto
Dahil nakita mo siya na sa iyo'y sasalo
Alam mo bakit napaluha ang mata ko
Kasi binitawan mo ako
kahit alam mo na hawak hawak ko ang kamay mo
Ang panaginip na iyon ay naging isang bangungot
Sa lahat ng katanungan ko yun ba ang sagot?
Na kapag nandiyan siya
Siya yung pipiliin mo sa aming dalawa
Na dapat bumitiw nalang ako ng kusa
Para di na ako lumuha at masaktan pa ?
At para kailan man man di mo na sa aki'y maipamukha
Na nagiging akin ka lang ,pag siya ay wala.

BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoesíaKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry