Kupal, gago, suwail, walang kwenta
hayop, mapaniil, mabisyo at kung ano pa,
taong walang kahulugan,
nakakapaso ang tingin at
nakakasugat ang mga dila.
Sa pagkakataong ito pinili
mong bumalik
sa iyong pinagmulan-
habang binabagtas mo ang daan
ay doon mo lalong nakikilala ang
tunay mong pagkatao.
Mahina ang loob, takot,
nangangailangan ng aruga
at pagmamahal.
Huminto ang mundo dahil sa 'yong
nasaksihan, nabanaag ang sarili sa
kabilang daan.
Naalala mong bigla
ang gunita ng nakaraan-
Ilang hakbang pa ay tuluyan
nang mauubos ang kalsada-
doon nag simulang mag-unahan
ang mga butil-butil na pawis
at umaalingawngaw
mong luha.
Marahil ay walang makapagbibigay
ng katahimikan,
huli na para makabalik muli sa
tahanan.
Oras na para ikaw naman ang
mag makaawa sa pagtahan.
Putol na ang kamay ng mga relo-
Mali ang iyong napiling mundo.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoetryKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry