Huling Tula,Ikaw ang Huling paksa

73 1 0
                                    



Dumaan sa araw ng saya
Pagkagalak at puno ng ligaya
Ika'y masilayan sa matang mapungay
Kahit dulot ito'y nakakatamlay

Simbolo ng puro tawanan
Parang may maganda't buong samahan
Pagkahulog sa dalawang puso
Kahit ito hindi parin sumusuko.

Tanghaling tapat ay nagkakatigan
Parang sarap ika'y alagaan
Paggawi ng nararapat na ngiti
Sating dalawa ito'y nakakaliti

Sa pagdaloy na meron tayong dalawa
Sa pag-ayos at lungkot hindi nakakasawa
Dumaan na puro galit at higit
Natatamlay ang puso at dinadalos ng mahigpit

Lumipas ang araw na meron ng iba
Masasabi na ikaw at ako wala na ba!
Iba na nagpapasaya sayo
Talagang ako sayo ay hindi iyo.

Sa araw ng nagbago ang lahat
Nandito parin ako pero may pagkat,
Kailangan na talagang lumisan
Ikaw lang pala ay hanggang paminsan.

Sa pinag-isipang sukat sa tula
Dumadaloy parin ang katha
Kailangang bumitaw sa giliw
Para sa kanilang ina-aliw.

Magtatapos na kabanata na tayong dalawa
Kabanatang ako na yung naaawa
Sa tulang itong na ikaw yung nagbabasa
Sa tulang ito ,masabing huling paksa.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon