Mga mata'y mapupungay at nangungusap
Tila ba'y alitaptap na kumikislap
Mga salitang bihasa sa pagpapanggap
Hahamakin yaring pusong nangangarap
Nagsimula itong pagkakaibigan
Nabihag ng Matamis na salitaan
At sa puso'y nagbunga ng kasiyahan
Kaya't sa huli'y naging magkasintahan
'di mawari ito ba' y pagmamahalan?
Maria, Ika'y Nabihag na nga ng laman
At sa Tukso Ika'y nakipaglampungan
Nayapos ng masidhing pagsusuyuan
Mga magulang ay nasaktan ng sukdulan
Kaya't anak ay pinagdidiskitahan,
Dahil pinabayaan ng kasintahan
Habang lumalaki'y kaniyang sinapupunan
Kaya't sambit ng anak, Ba't mo iniwan?
Ang isang tulad kong pinaparusahan
Sa mga panahong higit na kailangan
Ang Iyong paglirip at pananambitan.
Tinamaan nitong Pana ni kupido
Nagmahal at naaliw sa piling mo.
Ngunit pagdaka'y sinaktan ng todo.
At di naghilom mga sugat sa puso.
![](https://img.wattpad.com/cover/194721073-288-k378021.jpg)
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoetryKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry