Hindi na bago sa pakiramdam
Kapag sasabay na babara ang lalamunan
Ang init na namumuo sa mata
Ang pagsikip ng dibdibAng pagbigat ng ulo
Para akong nasa loob ng kaldero
Na may pinakukuluang tubig
Tipong napapaso sa sariling balat
Kapag ka nilalagnat
Sa ilong na nagpapahirapParang nakakapagod nang sumagap ng hangin
Sa kwartong walang bintana
Gusto kong i-atras at hilinging pabalikin
Ang panahong hindi ko pa nararanasan
Ang pag-hukay sa kaloob-loobanAt kahit pagalitan ako ng kalangitan
Dahil ako mismo ang dahilan nang pagbuhos ng ulan
Tatanggapin ko ang kapalaran
Kung saan isa akong taong nakulong sa sariling kabiguan
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...