Ako:
Piso
Hindi mabubuo ang isang milyon kapag wala ako
Hindi ako mabubuo kapag kulang ng isang sentimo
Kung sa tingin mong maliit nga ang halaga ko
Mas maliit naman ang pagmamahal nya sayo
______________________________________________Khate:
Singko
Piso, wag mo sanang angkinin lahat ng halaga
Sapagkat, mayroon pang ibang laging naiiba
Minsan, pagnangangailangan hinahanap ka.
Minsan pag walang silbi ay tinatapon ka.
Ngunit di ka nag iisa, dahil ganon lahat ng pera,
Minamahal lang pag kailangan ka______________________________________________
Lyrra:
Dyes
Sampong piso, maraming nangangailangan sayo
Lalo na't ikaw ang dahilan sa barya lang po sa umaga
Bihira ka lamang makikita ngunit kailangan na kailangan ka
Pag gising sa umaga ikaw ang unang nahahawakan
Hindi ka mabubuo kung wala ang piso
Minsan di mo kailangan ng piso
Dahil ikaw mismo ay minsanan lang nabubuo______________________________________________
Iyana:
Bente
Bente, ako ang pinakaunang papel sa'yong pitaka
Na kumikinang na kulay kahel sa iyong mata
Mahalaga ako dahil ako ang presyo ng corneto
Na ninanamnam mong kasingtigas ng yelo
Ako ang pinakamurang papel sa bangko
Na kahit saang tindahan makikita mo______________________________________________
Louj:
Trenta
Trentaduhin mo lang ang lahat wag lang ako
Dahil kahit hindi mo ako pinapahalagahan
Hawak ko parin ang yong kinabukasan.______________________________________________
Gunda:
Kwarenta
Bente, sampu, limang piso, limang tigpipiso
Dadaan ako sa napakamahabang proseso
Para mabuo ang halaga ko sa mundong ito
Nabubuo lang ako kapag nandiyan kayo
Natanong ko ba't hindi ako buo?
Ba't di ako mabuo-buo?
Bakit hindi ako binubuo?
Halaga ko'y laging nakadepende sa samot-saring sinsilyo
Sa haba-haba ng nag daang taon
Bakit di ako pinagtuonan ng panahon?______________________________________________
Jose:
Singkwenta
Ang pagmamahal ko sayo ay parang singkwenta
Kailangan ko pa ng isa, para mabuo ang ating halaga
Kailangan kita para mabuo tayo tulad ng isang daang pera
Ngunit bakit ganun?
'Di yata't lumalabo ang mga mata mo sa paglipas ng panahon?
Bakit di ka makuntento sa iisa?
Bakit kailangan mo pa ng lima upang mabuo ang iyong gusto
Kung ganun naman ang iyong gusto
Pwes 'wag mo akong isali sa mga reserba mo!
Kasi hindi ako tulad ng mga hipon mong bobo______________________________________________
Wen:
Sisenta
Tatlong tigbebente ang halaga ko
Minsan isang singkwenta at sampung piso
Sa gantong halaga napapasaya ko'y mga tao
Paalala, ako'y higit pa sa inaakala nyo
Sapagkat sisenta lang ang hindi buo;
Pero iniingatan ng mga lola nyoIsang Daan
Dalawang Daan
Limang Daan
Isang Libo
Hindi na natapos
Kasi wala nang gustong sumubok HAHAHAHAHA.*
Panandaliang na-stress ang mga kaklase ko nang kulitin ko silang makipagdugtungan saakin. Pasensya na tuwang tuwa lang akong nakikita kayong nahihirapan. Pero salamat pa rin at nagsumikap kayong matapos ang mga tula nyo. Ahahahhahah.
Long live Arts!
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...