Nagising ang nananahimik na kabundukan sa huni ng agil-il
Ang dilim at liwanag naman ay nagtatalo, hindi matigil
Rinig din ang iyak at dasal ng isang agulanga na siyang namumuno
Sa mga espiritu at namayapang apo o ninunoTila isang musika naman sa pandinig ang bumubulong na wika sa kanyang bisig
Magiliw, masayahin at namumukod-tanging pag-ibig
Ang sinumang nagpapayaman sakanya
Siya ring nag-aalaga sa kakambal nitong wikaKasabay nang pagaspas ng dahon ng apusaw at huni ng agil-il sa banda roon
Nagdadala man ng pangamba sa kanya at ng mga Higaonon
Hindi kailan ma'y malilimutan ang kanilang kasaysayan
Ang kabundukan, kagubatan at ang mga naninirahanAng yaman ng kanilang wika ay naka-salamin sa yaman ng paligid
Ang lupana bumubuo sa daigdig, ang tubig sa ilog at batis na may mga nilalang na sumisisid
Ang ritwal nilang nagdadala ng kapayapaan
Nagpapatahan at nagpapahimbing sa natutulog na kalikasan*
Assignment to ng friend ko na pinagawa nya sakin haha
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...