Nakatago na ang araw
Habang nakasilay ang buwan sa ulap
Pero bakit umiiyak ang langit
Na tumatagos ang luha sa bubong ng dyepniAt kahit nakakabahala ay nagawa ko pa ring
Balewalain ang asaran ng magkatabi
Ang hapdi ng patak sa dibdib
Nagawa ko pang pumikit
Nagawa ko pang ngumiti
Kahit masakit
Kahit mahapdi*
Pagod na pagod ako nung time na yun kasi galing pa ako sa work immersion. Ang layo pa tipong apat na sakayan. Tapos yung tulo sa bubong ng dyepni saktong sakto sa pwesto ko. Dumagdag pa yung hays, nakakairita din minsan tuwing may nakakatabi kang magjowa na naglalampungan.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...