Upod Ta

34 1 0
                                    

Tanda mo ba
Iyong litrato kong ikaw mismo ang kumuha
Kasi
Alam ko at
Ramdam kong
Kinilig ka noong ngumiti ako

Hindi sa harap ng kamera, kundi sayo
Noong lumabas ang maliit kong biloy sa pisnge
Saka ka rin napangiti
At kinunan ako ng litrato

Alam mo ring bang sobrang saya ko
Noong lulan tayo ng motorsiklo
Magkahawak kamay pa tayo noon
Hinihiling ko na sana pagkatapos nito di tayo magbago

Marami akong gustong gawin
Na hindi ko nagawa habang kasama kita
Pero ang sigurado lang ako
Gusto pa kitang makasama
Ng matagal
Kasi alam mo na

Minsan lang ako maka-uwi sa amin
Isang taon din tayong hindi nagkita
Nang-iwan ako pero naghintay ka
At hanggang ngayon naghihintay ka pa rin
Diba?

Ang sarap lang sa pakiramdam
Na makita kang masaya noong nakaupo tayo sa gilid ng kalsada
Ginuguhit mo ako habang nakangiti ka
Halatang gustong gusto mo iyong regalo ko

Iyong regalo kong mga libro
At gamit para sa pag-guhit
At oo nga pala bago ko makalimutan
Sana h'wag mo nang uulitin iyong ginawa mo sa may bangin
Sobrang nerbyos ang inabot ko noon
Kahit hindi naman ako mahilig magkape

Mas gusto kong uminom ng gatas
Parang ikaw maputi at maganda sa kalusugan
Ay
Ang ibig kong sabihin-- nagpapasaya sa araw ko
Nagpapaganda sa pakiramdam
Nagpapawala ng kalungkutan
Tawa ka naman dyan (HAHA)

Ayun nga
Mas matindi ka pang manermon kaysa sa sarili kong mama
Kaunti lang sinabi ko pero andami mo ng tugon
Puro pangaral pa nga
Naalala ko diba mas matanda ako sayo ng isang taon?

Pero bakit ramdam kong mas matanda ka sa akin ng sampung taon?
Ay kahit ganoon
Ang swerte ko pa rin na nandyan ka

Pasensya na
Natakot ako
At pinili kong hanggang doon na lang
Pero hindi ibig-sabihin na wala akong nararamdaman sa iyo
Gusto ko lang talaga hanapin ang sarili ko

At dito ko na lang din sasabihin itong dapat matagal ko nang nasabi
Kung dumating man ang araw na pwede na
At kung wala pa ring nagmamay ari dyan sa puso mo

Ako na
Ako na ang bahala





Balik tayo uli doon sa ano ha? At sisiguraduhin nating bukas na sila.











**

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon