Kakulangan

60 2 0
                                    

Hindi ako makata
Sadya ngang hilig kong maglaro ng mga salita
Tapos gagawin kong makulay
Para magkabuhay
At aalis ako ng bahay na naglalakbay ang isipan
Makakasalubong ko ang mga kumakaway na alikabok sa daan

Sa bawat bigkas ng bibig ko'y may pagtututol ang tugon
'Ang hina 'di ko marinig?' ang lakas kasi ng boses nyo pero ba't sakin nakatuon
Hindi ako tahimik, madaldal nga isip ko
Hindi mo halata kakatitig sayong kuko
Teka lang, panayam ba ito? Pasensya na, nakakahiya

Aalis na lang ako

Umaga na
Wala paring tulog
Ang ulo kong inaalog
Gusto ko nang humiga, nakakaawa
Pudpod na kamay kong nagsusulat
Itim, pula at dilaw

Basag na baso na nasipa ko sa tabi
Tanga kasing mata hindi nakatingin
Tapos ang paa kong hindi nagsasabi
Nakalagay sa mesa ang mga papel na may sulat
Kakamot ako sa ulo at aayusin ko, kasi makalat

Ilang muta na ang natanggal
Sa matang naluluha
Sa kagustuhang matulog
Huwag kang manampal
Para magising ang diwa
At maibsan ang pagkasabog

Bukas na bukas din
Mararanasan ang hagupit ng pagpupuyat sa mga papel na ito
Kalaban ang antok na mawawala saglit dahil sa nakakahawang tawa ng babae sa video
Ang ingay namin
Alas dose na ng hating gabi
Madilim sa labas

Rinig na rinig ang pagaspas

Ng mga manok sa tabi
Ng mga bituin sa langit
Saksi sa lahat
Saksi sa amin
Saksi sa katangahan ko na naging rason sa kakulangan ng tulog
Hindi naman ako makata
Hindi rin ako matatas magsalita

Sa isip lang ako naniniwala
At sa bago kong biling ballpen na titus na magkakaibang kulay
Na alam kong matagal mauubos
At oo umaga na nga
Hindi kami papasok dahil hindi pa tapos, wala pang almusal
Para sa magandang marka at kagustuhang makapasa
Kailangan lang ng kaunting dasal

Pagod na ang kamay ko sa kakalikot habang nakikinig sa kantang 'Loveless'
Alam ko hindi pa rin kumpleto ang mga papeles
Pero pasasaan ba't malalagpasan din namin ito
Ngayong katapusan na ng school year sa buwanang Marso
Hindi ako nagrereklamo

Utak ko ang umaatungal kahit tiyan ko ang nakakaramdam ng gutom
At dahil utak ang nag-iisip
Apektado sya sa nararamdaman ng katawan
Buti ka pa
Nakakain na
Buti ka pa
Sakto ang tulog

Buti pa sana kung mahulog
Ang tangan-tangan mong tapsilog
Tapos dadami na tayo
Ang kaibahan lang zombie ako na inaantok
Habang ikaw ang tambay na nag-aamok

Sa wakas, pero hindi pa dito nagtatapos
Aalis na kami pagkatapos magpaalam sa nanay ng kaklase naming mabait
Ang nagpatira saamin ng isang araw, at ngayong tanghali na
Lilipad na naman ang isipan ko
Maglalayag sa madilim na karagatang Pacifico

Teka ang layo na nang naabot ko at maglalakad pa kami
Sasalubungin na naman ako ng mga kumakaway na alikabok
Babatiin ako ng mga dahon
Mangangamusta at magtatanong kung saan kami paroroon
Sasagot ako ng pabulong 'sa eskwelahan papasok ngayong hapon'

Sumapit na ang unang asignatura
Ang talukap ng mata ko ay dahan dahan nang bumababa
Pero ang diwa ko ang pumipigil sa echoserang talukap
Kaso ang hirap
Kasi habang nakatingin ako sa iba kong kaklase na natutulog para akong hinahatak na gayahin ko

'Sir pasensya na hindi ko na gid kaya' at tuloy lang syang nagsasalita sa harap ng klase
Ibang klase
'Sir petmalu lodi iidlip muna ako!'
Ayun, nanaginip agad ako
Nasa gitna ng gyera
Hinahabol ako ng mga terorista

At ako yung sundalo
Na kung saan-saan nadedestino
Tapos nabaril ako sa ulo
At nagising sa realidad
Wala pala ako sa gyera kundi nasa digmaang ako ang estudyante
Na nakaidlip sa gitna ng klase

*

Ganitong karanasan kapag nag-sleepover sa bahay ng classmate mo at gumagawa ng research study. Para na akong buang kung ano ano na lang pinagsasabi ko. Haha.

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon