Duyan

48 2 0
                                    

(0932018/ Tuna Fest)

Ika-3 ng Septyembre, gumagabi na
Basa na naman kami, umulan na naman pagkagaling sa simbahan
Kaya walang nagawa kundi ang magmadali
Pagkatapos dumaan sa 'Sugbahan sa dalan'
Gusto sanang sumali sa pilahan kahit na umuulan
Pero sige sa susunod na lang, paalam

Nakasakay na nga ako sa multicab, umagaw
Pansin ang maliit na duyan sa ilalim ng maliit na espasyo
Ng isang de-tulak na tindahan, umuugoy-ugoy
At halatang sanggol ang pinapatahan
Sa kasalukuyan, kahit umiiyak ang kalangitan
Pilit pa ring nilalabanan ang kahirapan
Walang halong biro dahil yun ang realidad at katotohanan

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon