pansin ko na noong pag-akyat nya sa sinasakyan kong bus
nakangiti sya na alam mong galing sa puso
dala dala ang mga paninda nya"magkano iyong bingka
pwede bang dagdagan mo pa
iyong nilung-ag na saging kulang pa sana"
sabi noong isaramdam ko
ang hirap at hingal nya sa pag-akyat baba
ngunit hindi nawawala
ang ngiti nya sa maaliwalas nyang mukharinig kong nag-uusap ang mag-asawang nasa likod ko
tungkol sa kung gaano ito kasayabago umandar ulit ang sinasakyan kong bus
tinignan ko ulit si nanay sa huling pagkakataonhumihiling
na sana sa susunod na bus
marami ulit ang bumili sa kanyana sana bago matapos ang araw na ito
maubos lahat ang paninda ng matanda**
ps. sana sa susunod na pagdaan ko dyan sa may pasakayan, makita ulit kita nay. at pangako bibili na ako ng paninda mo. iyong nilung-ag na saging na sana mainit-init pa, kasi masarap yun at nakakabusog. ingat ka lagi nay!
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...