'Paglabas ko sa sinapupunan ng Nanay ko alam ko na talaga kung ano ako'
Nakangiti bago tumango 'Kasi nga kras mo ang kumare ng Nanay mo!'
Ayun pala, kapitbahay ang unang nagustuhan ng batang katabi
Sayang at nasa tuwid na daan ang ala-Kyline ang gandang walang masabiTinanong mo pa ako kung kailan ko nadiskubre ito
Syempre dahil sa mga kababata kong sinisipon pero masayang kalaro
Doon ko nalaman kung bakit ka nagkakaganyan
Ang matalik mong kaibigan na bumihag sa puso mong nahihirapanNapakakumplekado ng sitwasyon mo kalahi
Lalo na kung sayo nagpapatulong manligaw ang mga lalaki
Kaya ba nagtataguan at nagpaparamdam na lang
Kahit anong pilit ituon sa iba ang atensyon
Siya at siya pa rin ang kumukuha ng paninging mo ngayon at kahaponNgayong may nararamdaman ka, hindi maiwasang bigyan ng malisya
Ang mga kilos nya na akala mo motibo kaya ka umaasa
Nagkakagusto ka naman sa iba pero panandalian
Kasi lagi syang nasa tabi mo nagpapalitan ng 'Mahal kita kaibigan'Napapaisip ka na lang kung hindi niya ba nahahalata
O baka alam na niya pero nagpapanggap lang na walang nakikita
Pwedeng ayaw lang nya masira ang pagkakaibigan ninyong dalawa
Pwedeng naghihintay lang na sabihin mo sakanyaMinsan napapakanta na lang ng 'Kalimutan mo na yan, sige sige maglibang'
Pero gusto mo ng aminin 'Ngayong gabi', edi i-kmjs mo na yan
Pag-umasa talaga ang puso mahirap ng pigilan
Kaya sa huli nasasaktan at iiyak kasi sya ang dahilanKaya ang payo ko sayo kalahi, subukan mo syang kausapin
Kasi ang importante maamin mo na rin
Kung aayaw sayo, painomin mo ng alak
Bago mo gawin ang petmalung binabalakBasta kung anong kahihinatnan, tanggapin na lang kasi yun ang katotohanan
At ang mahalaga nagpapakatotoo tayo diba?
Tao tayong hindi nananapak ng iba
Mabuhay ka kalahi, mabuhay tayong lahat!
Kahit anong kasarian natin, nagmamahal lang tayo ng tapat
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...