(2019)
Bago ko hawakan
Ang kamay mo ng marahan
At ilibot sa mga berdeng puno
Na puno ng kasiyahan
Kahit
Malayo
Tayo
Sa kabihasnanKahit na minsan
Gusto mo akong batukan
Dahil nauubos ko agad ang bibingka
Na binili natin sa labas ng simbahan
Tatayo ka pa rin at yayakap sa braso koBago mo ako halikan
Sa pisnge
Na pansin mo pang tabinge
Ang sumbrero
At titignan ang supot na hawak ko
'Lumalamig na ang puto'Oo nga pero
'Relaks ka lang
Kakainin natin yan
Habang maglalakad sa daan'
Na binibigyang liwanag ng mga bombilyang
Umiilaw
KumikislapAt paiba-iba ang kulay
Kahit medyo malayo na tayo
Napapangiti ka na lang
Dahil rinig pa rin dito
Ang mga umaawit na tinig ng
KaligayahanAt malamig na ang hangin
Dahil madaling araw pa naman
Nang tumigil ka sa harap ng tindahan
Nila Aling Rosario
At dahan-dahan
Akong lumapit sayoNakataas na ang dalawa kong braso
Handa na sana kitang yakapinNang bigla kang lumayo at
Parang takot na humarap ka
At lumingon sa isang bulto ng lalaki na
Nakatayo malapit sa punong kamyas'T-teka!' malapit na sana
Pero huli na
Nang tumakbo ka
Pati ang supot na may puto ay
Nabitawan mo pa
Napaupo na lamang ako sa sementoHabang pinagmamasdan kayong
Magkahawak kamay
Magkasalikop
Magkadikit na labi at nakangiti
Hindi naman ako kumain ng ginisang Ampalaya na hinaluan ng itlog
Pero bakit
Pumapait
Ang bibig ko?Habang kating-kati na akong
Pulutin ang puto na nakakalat sa lupa
Bago
Napatingin ako uli sainyo na medyo malayo na
Sana lumingon ka
Lumingon ka sanaLumingon ka pwede ba?!
Bombilya
Bombilya, huwag!
Kasabay nang pagwala ng kuryente
Nawalan na naman ako ng liwanag-isa ito sa mga paborito kong tula na di ko alam kung paano ko nagawa
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...