Inspired sa story ni pilosopotasya na Uncencored . Ito at ginawan ko ng ibang version si Chino at Unica. Girl version ni Chino na nahulog sa isang straight na babae.
*Sa isang inuman, pinagtagpo uli tayo
Kung saan unang nagkabatian
Nagsimula sa 'Kumusta?'
Sabik, Saya
Ang dumadaloy sa dugong ito
Kasama ang maiingay na barkada at mga boteng hindi na mabilang
Sa paninging umiikot o sa puso kong hinihingal sa pagtakbo
Parang isang kabayo sa karera o asong nakakita ng magnanakaw sa bahay ng amo niyaMabilis
Pero may ritmo at may nakakaadik na tono ng isang kanta
Bawat tungga at kampay ng baso
Bawat ngiti at sigaw ay nagiging musika
Nag-umpisa na ang pustuhan
Umpisa na rin ng kasiyahan
Ang pamimilit na sa loob loob ay may ngiting tinatagoAyaw ilabas
Ayaw ipakita
Dahil alam kong malisyoso ang barkada at wala akong takas sa kantyaw nila
Hindi pa pwede
Hindi pa handa ang sarili
Pero mukhang ayaw ata akong patahimikin ng mundo, gusto atang wakasan na itong kabaliwang pagtitimpi ko
Nakatingin silang lahat, naghihintay sa akin?
O sa ating dalawaHindi ako naging komportable
Hindi ako mapakali
Sa pagkapit ng pwedeng makapitan pero wala akong nakuha kundi ngisi ng katabi ko
Sa isang malaking mesa na puno ng bote at pulutan
Na pinalilibutan ng walong silya na inuupan ng tatlong lalaki at limang babae
Halos magkasintahan, tayo lang ang naiiba
Naiiba sakanila
Ibaba saIba ang pagpili ko ng kasarian
At alam kong hindi mo yun alam
Sa pagbukas ng bibig ng kaibigan ko
Pagsalita sa kung ano ang gagawin ko sa pustahang nilalaro
Gulat
Agad napatingin sa mata mong nangungusap
Alam ko
Ramdam kong naguguluhan ka sa nasabing pangungusap
Maghahawak kamay tayo hanggang sa matapos ang inuman
Magkakadikit ang ating balat hanggang sa panahon na para magpaalam
Pero imbes na humindi at tumutolNagawa ko pang ipatong ang nakatihayang kamay sa may tuhod
Na naging hudyat
Naghihintay ang lahat
Sayo
Ilalagay mo ba o pipigil at iiba?
Itong pustuhan
Titiklop na sana ang kamay
Parang makahiya kahit walang nakahawak
Pero maliSinadya mo bang ipagdikit o baka tinulak?
Pero totoo, totoong totoo nga
Ang kamay mong magaan, mas malambot pa sa paborito kong unan
Na perpektong nakapatong sa itaas ng palad ko
Hindi ako gumalaw, hindi ka rin gumalaw
Ang kamay nating magkapantay
Habang ang lahat ay patuloy na tumatagay
Gusto kong malaman kong pareho rin ba tayo ng nararamdaman
Kahit sa baso ka nakatingin, kahit hindi mo pa ako pinapansin
Gusto ko pa ring malamanNatatakot akong alisin mo at magbago ang kakaibang dating ng balat mong makinis
At sa isang lagok ko pa ng alak sumabay ng galaw ang kamay mo
Akala ko dala ng kalasingan, akala ko hindi mangyayari
Isa pang lagok sa basong madulas
Ay ang paglapat ng mga daliri mo sa bawat singit ng kamay ko
Kamay nating magkasalikop
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumahimik
Naghihintay sa susunod mong gagawinNatatakot akong igalaw rin ang kamay
Kaya hindi na kumilos ang buo kong katawan
At baka biglang magbago ang pakiramdam
Pero sa simpleng paglapat mo ng kamay kanina
Naging mahigpit
Mas humigpit
Humigpit ng humigpit
Na halos hindi na makahinga ang pulsuhan kong nasasakal sa pag-ipitSinasadya mo na ba talaga ito o baka dala rin ng pag tungga mo ng alak?
Siguro hindi
Siguro nga
Siguro pwede ko nang pakawalan ang pagpipigil kong gawin ang isang bagay
Sa nakaabang mong kamay
Isang pisil galing sa akin
Na nasundan ng isa pa hanggang sa natawag na ilang beses
At lumampas sa hindi inaasahan
Pero katulad nga ng panimula sa tulang itoKung saan tayo unang nagkabatian, nag-umpisa sa tanong na 'Kumusta?'
Na sinagot mo ng 'Okay lang, masaya'
At kahit anong kapit ng daliri ko sa hintuturo mo ay parang hinayaan ko rin ang sarili kong kumapit sa karayom na may dalang lason
Nakakamatay dahil bawal
Sa mga bilang na pagkakataon
At manatiling magkaibigan na lang tayo
Hanggang sa muli tayong magkalayo
Katulad ng dahan-dahang pagbitaw ng kamay mo sa palad koDumausdos pababa
Paalis
Paatras
Sa isang oras na magkahawak na parang bagay na nakasanayan
Napatungo na lamang ako at nasabing'Paalam'
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...