(022420)
Babae ako
Sanay akong masaktan
Lalaki ka
Kaya hindi mo alam
'Nay andyan na naman'
Sumasakit ulit ang tiyan
'Anak, puson iyan'
Dumadalaw daw buwan-buwan
'Nay bakit babae lang ang nakakaramdam?'
Bakit si Boboy na matalik kong kaibigan, hindi dinadatnan?'Nay, sumasakit ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan'
Sinusuklay ni Nanay ang buhok ko sa likuran
Marahan
'Anak, maging masaya ka dahil normal iyan sa kababaihan'
Normal daw na may magbago sa katawan lalo na sa edad na siyam
'Inay paano ako magiging masaya kung ang kirot ay hindi ko matagalan?'
Pero nagtiis ako ng ilang buwan'Inay lumalaki na ang dibdib ko at mas kumikirot sya kapag natatamaan'
Nagtiis ulit ako hanggang sa nandyan na namang masasaktan
Tuwing maglalaro ng tapon-gitna at sumasapul sa dibdib ang tsinelas na hindi ganoon kagaan
O di kaya masiko ng kaklase kong lalaki pagkatapos pagtawanan'Nay labing tatlong taong gulang na ako at masama ang aking pakiramdam'
Nakakapaso ang init sa balat ko kapag hahawakan
Nakakagulat na bigla ka lang aapuyin ng lagnat habang nasa paaralan
Hanggang kinabukasan
Doon ko nalaman
'Anak, dalaga ka na at kailangan mong tumalon ng tatlong beses sa may hagdanan'Babae ako
Sanay akong masaktan
Lalaki ka
Kaya hindi mo alam
'Nay andyan na naman'
Sumasakit ulit ang tiyan
'Anak, puson iyan'
Dumadalaw daw buwan-buwan
'Nay bakit babae lang ang nakakaramdam?'
Bakit si Boboy na matalik kong kaibigan, hindi dinadatnan?Lumapit ako sa may durungawan
Habang inaalala kanina kung paano bugbugin ni Tatay si Nanay sa may pintuan
'Nay bakit hindi mo magawang lumaban?'
'Dahil ba sa babae ka kaya sanay ka nang nasasaktan?'
'Anak, mas masakit noong inilabas kita mula sa sinapupunan''Nay si Tatay, bakit tayo iniwan?
Hindi na ba talaga kayo nagmamahalan?
Sabi ni Boboy may kasama daw na babae si Tatay sa may pasyalan'
Pero hindi man lang tumulo ang luha ni Nanay buhat sa mga nalaman
'Anak, masasanay ang babae kapag paulit-ulit na pinapahirapan
Mapapagod lang ang babae pero hindi nila ito basta basta't tinatalikuran'At habang papauwi ako ng bahay, nanginginig ang buo kong katawan
Sinalubong agad ako ni Nanay ng isang ngiting tahanan
'Anak, kamusta ang pagpasyal nyo ni Boboy kaninang tanghalian?'
Doon na ako tuluyang naiyak at napaluhod sa sahig na gawa sa kawayan
'Nay ginahasa ako ng taong dati kong pinagkatiwalaan'
Nanunuot ang sakit na nararamdamanPero dahil babae ako at lalaki sya
Kaya hindi nya alam
Kung paano kumirot ang dibdib ng kababaihan
Kung paano sumakit ang puson kapag dinadatnan
Kung paano magtiis ng siyam na buwan
Kung gaano kasakit magluwal ng isang nilalang mula sa sinapupunan
Lalo na kapag hindi mo ginustong mabuntis sa gitna ng ka-musmusanKaya huwag mong sabihing 'Babae lang yan!'
Kasi lalaki ka kaya hindi mo alam!--
#Empowering Women
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...