Mahigit Isang Taon

46 2 4
                                    

(2017)

Naisipan ko nga uli
Pumunta at makisilip
Nagbabakasakaling
Makita ka
Kahit hindi lalapit
Sa mga panahong wala, makikibalita

Wala na nga tayo pero nararamdaman ng balat kong
Gusto mong ibalik ang dating bola-bola
Na sabay nating kinakain
Hindi, ayoko na sa mundong pareho nating sinakop
Doon na lang ipagpapatuloy sa maliit na planeta
Na pakikipagkaibigan ang syang tema

Isang beses umakyat sa hagdanan
Mananatili ang nakaraan sa panahong dinaanan
Bumaba pa para makita ka sa malapitan
Pero mukha ng mga taong hindi pamilyar ang bumungad
Pagkatapos umatras at umalis
Hindi nga siguro ito ang araw na makikita kita

At makikita mo ako na kahit
Alam kong ayaw mo at hindi ka pa handa
Sakay ang byaheng tumatakbo
Naglalakad na asong tumatahol
Pati basang kalsada sinampal ako ng may lasang luho
Aasa akong hanggang pag-uusap lang tayo

Hindi man sa personal
Gaano ka man kadaldal
Ayokong masaktan uli ang babaeng nilaanan ko ng mga tula
At hindi malilimutang kanta
Mahigit isang taon na nga pero bakit sa iisang syudad uli tayo
Magkakasama?

Maliit nga ang mundo
Maliit din ang posibilidad na makipagbalikan ang
Kwaderno sa makapal na libro






*
To my 1st girlfriend, naalala ko pa rin ang pakiramdam noong nasa SM ako at handa ka nang makita. Miss na kita.

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon