tukso, lukso, lapitan mo ako

14 0 0
                                    


dapithapon na't abala ka pa rin
sa iyong mga labahin
habang ako'y tahimik na nakamasid
nakangiti
palihim

hindi ko alam kung saan ko idadapo
ang paningin
sa pagkain bang nakahain
o sa katawan mong nakaharap
sa hugasin
na tila nag-aanyayang ikaw ay yakapin

makasalanan bang mangarap sandali
mahirap bang magkunwari
tao lang ako't mabilis akitin

halos ako'y nagigimbal pa rin
sa mga narinig mula sa bibig mong
kay sarap---
talian ng tela
para tumahimik ka na!

alam mo bang
ang mapaglaro kong imahinasyon
hindi na makapirme
kanina pa
at hindi pa rin makapaniwala

aba, babae

paano at bakit mo naman iyon
ginawa?
lalo mo lang dinumihan
ang utak kong basurahan

sobrang hindi rin nakakatulong

ang pagdamit mo ng ganyan
isang bestidang hapit na hapit
maikli? sobrang iksi!
na ng pasensya ko
habang ikaw parang handa
na akong tuklawin

may natitira ka pa bang awa sa katawan?
kung mayroon man
pwes kaawaan mo ako, maawa ka

at magtatanong ka pa
kung pwedeng lumabas
kang nakaganyan

aba, babae

syempre, hindi pwede
baliw

binabaliw mo ang sistema ko

may sa lahi ka siguro ng aswang
sige handa akong magpakagat
grasya na iyan
bakit ko tatanggihan?

at

teka
teka

ito ba'y sadya o wala lang?
wala ka atang kaalam-alam
nang pumasok ka bigla sa kwarto
umupo sa harap ko
lumapit pa lalo

bago
nahigit ko ang hininga ko
pero dahil mabait akong tao
sa mukha mo lang ako nakatitig
hindi sa ano mo
habang kinakausap mo ako
kahit natutuyo na ang laway
mula sa ngala ngala ko

ayaw ko

kahit ang totoo
gusto kong inaakit mo ako



































****

holi watur plz

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon