Isa isang nahuhulog ang mga tuyong dahon
kasabay nang pag-anod sayo ng umaalon-alon
Nyang pagkatao, unti unting nalulunod
ilang ulit nagnakaw ng hininga para mabuhay
sa paglayo nya, sya ring pagtaas mo ng kamay
kumakampay, umaasang babalikan ka ng anino nya
iligtas ka sa trahedyang sya mismo ang gumawa
pero wala
nawala
hindi na dumating pa
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...