Pulang sapatos na patapon
Sintas at sinturon
Nakakalat sa sahig, nakaipon
Tirintas na luma
Lontang nawawalaKwadernong nakaipit
Sa ilalim ng pitakang nagigipit
Teleponong maayos
Panyong nakapatong sa upuang nagpupuyosGamit sa paaralan
Nasa tabi at nakatiwang-wang
Nakikisabay sa pag-apaw ng labahan
Nahahalo sa hindi pa natutuping damit, malinis
Baryang sumisilip, resibong lumilihisNakayakap sa basang tuwalya sa mesa
Na sumasawsaw sa lugaw na wala ng lasa
Nakalagay sa tasa, hinihigop ng bentilador
Kutsarang naputol, bungal na tinidorSuklay na nangingitim ang ngipin
Salamin na parang binugahan ng hangin
Medyas na nangangamoy
Parang patay na dagang natumbahan ng kahoySa pintuan bumungad ang maliliit na kotse
Nakapatong sa basahan na dapat nasa poste
Lapis na walang ulo
Pambura na huli na sa uso
Payong na parang dumaan sa malakas na bagyo
Nakasabit sa sumasayaw na kurtinang ginawang pamunas ng kwarto
Napakagulo
Haynaku
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...