Akap

14 0 0
                                    

Pyesta pala dito sa amin
At wala man lang akong kaalam-alam
Kung hindi lang siguro lumabas
Kung kinakailangan
Puno ng tinda sa bawat bangketa
Mga naglalakad na tao

Kahit napakainit sa kalsada
Mabagal lang akong humakbang
Deretso ang tingin
Nakakunot kaunti ang noo
Dahil sa sikat ng araw
At hindi ko pa dala iyong salamin ko

At kahit masakit ang katawan
Tiniis na lang
Kasi kaya ko naman
Maliban lang sa tumitibok na parte
Mas sobra ang sakit na nararamdaman

Pagod na nga ang mga mata
Sa kakaiyak
At bakit kailangan pang mapuwing
Edi lalo lang mapapapikit
Buti na lang
Nawala sandali

Pagdating ko sa isang kainan
Napansin ko ang mag lola na nasa likod ko
Akap akap ang apo niya
Habang nakatayo ako
At nakapila

"Anong gusto mo apo?"
Malamyos
Malambing
Puno ng kagalakan

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon