Pinanganak ka sa loob ng pinagbiyak na kawayan
Lumaki kasama ang baliw na aso sa kabilang bayan
Sa madilim na daan ikaw ay nasilayan
Nakadipa, nakangiti habang tumatakbo nang may kabilisanKahit ang hirap mong unawain minsan
Ang puso ko ay ikaw lang ang tanging natipuhan
At kahit ako'y iyong pinaglalaruan
Ikaw lang ang laging pupuntahanIkaw na pinangalanang "Anghel sa Kalupaan"
At ako na naghihintay sa may damuhan
Halika't magtuos nang maghari ang kaliwanagan
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...