nakakatuwa lang na
nakakataka
wala kasi akong magawakaya
andito sa kusina
gusto ko sana maglutopero hindi ko alam
kung ano ang lulutuinpero sabi nila
makiramdam lang dawkaya susubukan ko nga
nang umayon sa pakiramdam kokinuha ko ang kaserola
saka nagpakulo ng tubignilagyan ko ng isang tasang
"tanggap ko na"
at dalawang kutsarang
"masaya ka na"
hinaluan ng isang kurot na asin
at isang kutsaritang
"ayaw mo na"nilagyan ko ng gulay na
ampalaya
wala nang hiwa hiwa
kakainin din naman, hindi ba?
tapos dinagdagan ko
ng kalabasa
para sa nanlalabo
nating mga matakinuha ko ang sandok
hinalo-halo
at tinikman kung anong lasaHmmm...
ay teka may kulang pa
isang tasa ulit ng
"may iba ka na"kompleto na ata?
tinikman ko ulit
at
pwe!ang kati sa dila
pero lasang lasa ko iyong
tanggap ko na
masaya ka na
ayaw mo na
may iba ka naat dahil ayaw kong
masayang ang niluto koayun
inubos ko
kaya andito ako
kanina pa
sa loob ng banyokumakanta ng
"pusong bato"- budlat akong mata
***
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAAH
tumatawa ako habang ginagawa to. baliw ata ako
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...