hindi naman ako grasya na galing sa langit at nahulog sa lupa?
pero bakit masakit ang mauntog sa pader na dapat dadaanin lang sana
kung hindi ka lang nakita
wala sana akong bukol sa ulo at mga pasa sa mukha
aakalain pa ni mama na binugbog ako ni berna
pero bakit ka pa lumapit kung magtatanong ka lang pala kung saan nakatira si kapitana
tapos tatanungin mo pa ako kung ayos lang ba ako?
wag kang mag-alala mabubuhay pa ako, kakain pa tayo ng batchoy sa may kanto
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...