(2018)
Nakasakay sa motorsiklo ng tatay ko
Na ang boses ay umuubo-ubo
Ilang beses nang pumadyak
Pati si kuya nakitulong na
Pero pag-umandar namamatay pa rin ang makinaSa kabilang kanto
Hinabol kami ng aso
Walang magawa kundi itaas ang dalawang paa
Takot baka makagat ako at mahawa sa sakit nila
Napansin ko pa ang malaking aso na parang lobo
Sa bintana nakalabas ang uloMaganda nga ang bahay
Nakakatakot naman ang namamahay
Minsan may nakikita akong patay na pusa
Nasasagasaan sa pagtawid sa kalsadaNaaawa ako kasi nakikita ko ang sarili ko sa sitwasyon nila
Na kapag nangyari yun sakin, aba wala na
Mamamatay ang dyosa
Habang mabilis ang takbo
Bumibilis din ang tibok ng puso ko
Sa traysikel na nakikisabay sa tatay kong medyo sirauloAt bago ako ibaba sa tapat ng sikat na kainan ng pulang bubuyog
Na kinakatakutan ng pamangkin kong nasa malayo
Maglalakad ako habang pinapanood
Ng mga estudyante, napakalapit nga
Sumasakay pa sila at gumagastos ng limang pisoSirado pa ang mga tindahan
Tunog ng sasakyan
Ibong maya lang ang nakakasalubong sa bangketa
Kasunod ang huling kanto pagkatawid ko
Dumaan sa likod ng nagtitinda ng maroya
Sa pag-angat ko ng ulo, nagkabungguan ang tingin namin ng babaeng magandaNandun sya nakaupo sa semento, naghihintay
Hawak hawak ang telepono
Nakasuot ng asul na uniporme, na alam ko kung saan
Pero dahil nag-iinarte, una akong umiwas at tuloy tuloy na naglakadGusto ko pa sanang titigan sya
Yung buhok nyang alagang-alaga
At mukha na magpapasalamat ka pa dahil napagmasdan mo sya
Pilit na lumingon kahit likod lang nya ang nakikita
At sa nagawa kong tula, na ibibigay ko sana
Pero malabong mangyari, kung pati tadhana hinaharangan ako
Para makilala sya
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...