Kuya! Kuya!

84 3 0
                                    

Kanina ko pa napapansin ang dalawang bata
Na nasa apat na taong gulang na lalaki
At sa tingin ko sampung taon na yung isa
Ngumiti pa sya kahit nahihirapan sa pagkarga

Bago pinaupo sa estante ng tindahan
Lumingon sya sakin pero bumalik ang tingin sa kapatid na walang muwang
At sa pagkulbit nya sya ring pagsalita nito
'Kuya, kuya gusto kong maglakad lang' nababanaag ma'y ngumiti uli
At napapatitig sa paa na walang saplot at mumunti

'Sige suotin mo muna itong tsinelas ko' na mukhang luma na rin
Nakita kong pinasuot pa niya sa kapatid bago ako na ang sumunod
Para bumili, saka napangiti ako ng mapait
Pinagmasdan ko silang papalayo na kahit hirap man sa dalang pinamili at
Nakapaa lang na tinatahak ang mabatong daan
Masaya pa ring hinawakan ang kamay ng kapatid, 'Inom ka muna'
'Kuya! Kuya!'




*

Masarap magkaroon ng kuya.

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon