iba ang saya
noong nakasama kita
at ang kislap ng iyong mga mata
ang pagsilip ng iyong biloy
sa ibabang labi mo
ang kinis ng iyong kutis
at kulay kayumanggi mong
buhokang sarap pagmasdan
ang sarap hawakan
ng iyong kamay
na minsan na ring nangurot
sa baywang ko
at tanda ko rin
noong pinalo mo ako
sa may puwet
noong sinalubong kita
sa kainan ng sikat na bubuyogpareho tayo
nahihiyang tumitig sa isa't isa
nahihiyang salubungin
ang mga mata
pero
katulad ng dati
kumikislap pa rin ito dahil sa sayamasaya ako
masaya akong nakita
at nakasama ulit kita
na kahit sa loob ng
maikling panahon
nahawakan ko ulit ang kamay mo
at noong maghihiwalay na tayohinawakan mo ako ng mahigpit
hindi alintana ang init
at mga maiingay na sasakyan
at mga taong nakamasid sa atinang kamay mong ayaw
nang bumitaw
sa sobrang higpit
ramdam ko iyong pinaghalong
lungkot at sayamasaya kasi nagkasama ulit
malungkot dahil magkakahiwalay na naman
at mukhang
matagal pa bago ako makabalik* natupad ko rin iyong pangako kong ililibre kita, j***
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...