para sa kanya

14 0 0
                                    

hindi pa ata kuntento
kaya ito gusto ko pang dagdagan
ang hinanakit
at sakit ng tuhod ko
bata pa naman ako
pero nasa tamang edad na
para manahimik
sa isang bahay
kasama ka

anong sarap pakinggan
malabo lang
dahil ang pareho
nating mga mata
nanlalabo na, oo
bata pa naman tayo
pero wala pa sa tamang edad
para sumaya

anong sakit sa pakiramdam
sa tuwing naiisip ang isang
taong hindi na siguro
makikita pa at lalong
sasakit ang tuhod ko
sa kadahilanang mas
malaki ang posibilidad na
tatanda akong walang
kasama
sa bahay
na
tahimik
at madilim

at may alikabok pa
sa bawat sulok
ng kwarto
naaamag na
tulad ko

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon