Hindi pa rin makapaniwala, nang maabutan sya sa loob ng sasakyan
Pinupunasan ang basang salumpwetan, maulan
Maya maya'y napapikit na parang nananaginip
Habang sya'y nakahalumbaba, dalawang kamay, magkasabayNapapangiti, sa pagdikit ng balikat nya saakin
At kung sakali mang mabubunggo, handang saluin
Para hindi masaktan ang ulo, hanggang sa bababa na
Pinagsawalang bahala ang pagtulo ng tubig sa palda
Tapos na, pero hindi malilimutan ang maamo nyang mukha*
Para don sa crush ko noon na nakasabay ko sa tricycle pauwi. Grade 9 ka siguro nung time na yun no? HAHAHAHA anlandi.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...