Dumatal

54 2 0
                                    


Pakikumusta ako sa taong dumatal na
At hindi na bumalik
Ang marubrob kong damdamin ay tangan tangan mo pa
Pati tumitibok na parte ay ganoon pa rin, umiigik

Lulan pa tayo noon sa mabagal na barko kahit
Limang maleta ang hinihila ko paroon sa kwarto, sa malapit
At bago mamalagi sa apat na sulok na silid
Nababanaag ko ang noong pagsumamong manatili ka sa gilid

Ngunit dumatal nga rin ang salita mong walang tatalon
Sa bangin na pilit hinihila ang katawan natin
Marahil, itinadhana kang ibaon bilang butil na aanihin
At ako na aalagaan ang alaala mo, iniwang nakalunlon

Bago nasasabik na itanim ka sa lupa, kung saan ka muli aahon

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon