Umiyak na nga ako't lahat pero wala pa ring lumalabas sa bibig
Kailangan pa bang umire ng pagkalakas lakas para mailuwal lang ang lahat ng hinanakit?
At gawing dahilan na makasulat ulit kahit sa papel lang na punit-punit?
Baka mawalan ako ng ulirat at hindi na naman maka-usad sa tanong na 'bakit?'
mahinto na naman sa 'bakit?'
madapa na naman sa 'bakit?'
mababasa na naman ang damit
kasi nga bakit?
o kailangan ko lang siguro ng alak na isang bucket?
tara tagay tayo dito sa green planet
tapos gawin natin ang ginagawa ng mga magsyotang malupet
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...