Akalain mong doon masusukat ang lahat
Sa pagtapak ng paa mong bilang sa tatlo at apat
Mga boses sa ikatatlong palapag ang naririnig
Na nagbibigay kilabot sa katawang nanganganibTanaw mo ang mga bagay na nag-aanyong hayop
Sa kinakatakutang halimaw na pilit sinasakop
Ang diwa mong nakalubog sa loob ng imahinasyon
At winawaksi ang posible sa iyong propisyonAng paniniwalang kanina pa may nagmamasid
Kahit malayo sa tubig at dagat na maaaring masisid
Tunog ng tasa at kutsara na nakakadagdag kaba
At pintong kinakalampag na iba ang dinadalaAng paglingon mo sa kumakalabog na kisameng marupok
Ay ang pagbagsak ng kahoy sa ulo mong muntik nang matusok
Nariyan din ang patay-sinding ilaw sa mga silid-aralan
Marahil mga mata ang nagmamatyag sa mga durungawanPula ang nakikita ng paningin mo sa may dulo
Imbes kaitiman sa dilim ang dapat isaulo
Mahigpit ang kapit sa walis tambong sumusuporta
Sa pagnginig ng buto at balahibong umaalsaAkalain mong magbabalik tanaw ka noong kabataan
Ang panakot ng namayapang ina sa mga multo sa kadiliman
Ngunit ngayong malaki ka na at nagkaroon na ng pamilya
Nasaan na ang tapang mo sa pag-iwan saiyong asawaO tapang tapangan lang kahit gusto ng maihi sa lontang kupas
Tanaw na tanaw mo na ang isang babaeng nakablusang pang-itaas
Nakatali ang leeg at tumitirik ang matang namumula
Nakatitig ng masama at ang isang kamay ay nawawalaAnumang oras maaaring bumaba
Pero bakit ngayon hindi mo magawa
Sa tunog na bumalot sa katahimikan ng gabi
Nanunuot sa tainga mo nang biglang maputol ang taliUmihip ang napakalamig na hangin at dumidikit sa hubad na balat
Isang bagay na sa paanan mong lumapat
Kahit mahirap pinilit pa ring ituon ang liwanag
Larawan ng pamilyar na babaeng duguan, nakagilit ang leeg at punit punit ang damitSa ibaba nakasulat ang kulay dugong tinta
Nakakatakot
Nakakapangilabot'Dahil ikaw na ang susunod'
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoesíaMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...