Ilang ulit mo nang sinubukang makipagbuno
Sa orasang malabo mong maabot
Makipagkarera sa kamay ng tumatakbong oras
Na nakadikit sa kahoy na tagasuportang lumalampas
Bago ang realidad mismo ang hahampasSa batok mong kinakapitan pa nya dati, at lagi
Syang nasa unahan habang ikaw ay nahuhuli, pati
Paglakad hindi mo maabutan, sa likod sinusundan
Napapailing ka na lang habang nakatingin sa orasanNasa dulo ka na naman, nakikipagtalo sa nakasuyong kapalaran
At kahit kailan hindi mo naitanong sa sarili kung
Pagod ka na ba sa pagtakbo?
Paulit-ulit na makipagbuno atHumabol sa kamay nyang sa iba na nakibuhol
At paputol-putol hanggang sa aso na lang ang tatahol
Na tila sabik maiwan sa karera ng orasan, hindi ka na lalaban
Kahit lagi, nasa huli, likod at dulo
Kasi lagi, umuuwi kang natatalo
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...