(04122020)
Parang sinasabing 'Lika'
Pina-ikli sa salitang nag-aaya
Na 'Halika'
O di kaya 'Layo ka'
O minsan tunog 'Lalayuan kita'
Halika na, lalayuan kita
Ganyan ba?Inaanyayahan mo ba akong layuan kita
'Lika o Layo ka'
Pinapapili mo pa ako kahit alam mo na
Kaya sumagot ako at tinawag kita
Sa pangalan mong 'Lyka'
Na tunog 'Layo ka'At lumayo ka nga
Kasama sya
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...