Hating gabi na
Pero naghuhugas pa rin ng pinggan sa kusina
Ang baso na nagmistulang pag-asa
Dumikit 'di makuha kaya nabiyak pagkahila
Na nag-iwan ng sugat sa daliring mahina
Pero bakit hihdi masakit, kahit
Nakikihalo na ang dugo sa pandesal na iba ang lasa
Ganito na ba ko kamanhid?
Dapat masakit
Pero bakit patuloy na lumalapit
Ang sarap sa sakit ng pagmamahal
Na walang kapalit
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Juana
PoetryMagulo itong mga tula ko. May parte na malungkot. May parte na nayayamot. At kasunod may kasama nang puot. Tapos biglang sasaya ulit. Kasi bakit? Pasensya na. Sadya sigurong komplikado akong tao. Kasi dapat Filipino lang ito, pero biglang nahaluan...